Simula Marso 15, hindi na maaaring lumabas sa mga bahay ang mga Italyano maliban kung tungkol sa trabaho, kalusugan at iba pang mahalagang rason.

Ila-lockdown din ang Italy mula Abril 3 hanggang Abril 5 dahil hirap na sa pagkontrol sa COVID-19 case, batay sa New York Post report.

Nakakapagtala na ang bansa ng lagpas 25,000 na kaso kada araw sa nakalipas na anim na linggo dahil na-delay ang kanilang vaccination campaign.

Nasa 3 porsiyento pa lamang ang nababakunahan sa Italy, ayon sa datos ng Johns Hopkins University.

Ani Prime Minister Mario Draghi, target nilang magbakuna ng nasa 170,000 doses kada araw.

Samantala, mahigit 100,000 Italian na ang pumanaw dahil sa mga komplikasyon sa coronavirus, ikalawa sila sa may pinakamataas na death toll sa Europe, kasunod ng United Kingdom.

The post Italy balik lockdown first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/italy-balik-lockdown1/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=italy-balik-lockdown1)