Pumanaw na ang Jesuit priest at constitutionalist na si Fr. Joaquin Bernas sa edad na 88 ngayong Sabado.

Hindi naman na idinetalye pa ni Mel Sta. Maria, dekano ng FEU Institute of Law, ang sanhi ng pagpanaw ni Bernas.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, naging bahagi ng 1986 Constitutional Commission si Bernas na silang gumawa ng 1987 Philippine Constitution.

Bukod dito, nagsilbi rin siyang dekano ng Ateneo Law School at kinilalang “Dean Emeritus” nang mag-retire ito taong 2004.

The post Jesuit priest Joaquin Bernas, pumanaw na first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/jesuit-priest-joaquin-bernas-pumanaw-na/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=jesuit-priest-joaquin-bernas-pumanaw-na)