Libre ang COVID-19 vaccine para sa lahat ng empleyado ng Jollibee Group sa Pilipinas.

Sa nilabas na pahayag ni Tony Tan Caktiong, ang chairman ng Jollibee Group, ang kanilang vaccination program ay para masiguro ang kaligtasan at kalusugan ng kanilang mga empleyado.

Bukod sa sikat na fastfood chain na Jollibee, kasama din sa hawak ng grupo ay ang Burger King, Mang Inasal, Panda Express, Chowking, PHO24 at iba pang parte ng kanilang operasyon.

“The company is also sourcing vaccines for employees’ dependents and extended family and household members. “Our employees’ safety and well-being has always been paramount,” saad ni Tan Caktiong.

Sa oras na magkaroon na ng bakuna ang Jollibee Group, makikipag-ugnayan sila sa mga local government unit para masaayos ang supple ng vaccine.

The post Jollibee babakunahan lahat ng empleyado first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/jollibee-babakunahan-lahat-ng-empleyado/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=jollibee-babakunahan-lahat-ng-empleyado)