Opisyal na ang pagsampa sa PBA ng 2021 top pick na si Joshua Munzon.

Nitong Biyernes ay lumagda na ng three year-max contract ang Fil-Am para sa Terrafirma Dyip.

Makakasama ni Munzon ang kanyang kapwa first-round draftee na si James Laput, na nakasungkit din ng tatlong taong kontrata.

“I’m excited to be part of the team and get ready to get up there for all our Terrafirma fans,” saad ni Munzon.

Dating naglaro sa ASEAN Basketball League si Munzon, kung saan doon din nagmula ang ilang superstar ng liga tulad nina Matthew Wright at Stanley Pringle.

Nang tumulak sa Pilipinas ay naging top 3×3 player at naging pambato sa mga FIBA tournament.

The post Joshua Munzon selyado na sa Terrafirma first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/joshua-munzon-selyado-na-sa-terrafirma/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=joshua-munzon-selyado-na-sa-terrafirma)