Hindi babalik ng Pilipinas si Kai Sotto para sumali sa training ng Gilas Pilipinas sa Inspire Academy sa Laguna.

Sa report ni Quinito Henson ng Philippine Star, sinaad na pagtutuunan ng pansin ni Sotto ang kanyang training sa Estados Unidos.

Matatandaan na dating umuwi ng Pilipinas ang 7-foot-2 phenom para sana maglaro sa huling window ng 2021 Fiba Asia Cup qualifiers, ngunit nasuspende matapos umatras sa hosting ang Qatar dahil sa pagkalat ng COVID-19.

Pagbalik naman ng Amerika ni Sotto, hindi na rin ito nakasalang sa NBA G-League bilang parte ng Team Ignite.

Hindi naman klaro kung may tsansang maglaro si Kai sa nausog na Fiba Asia Cup qualifiers o sa Olympic Qualifying Tournament kahit hindi ito sumalang sa bubble training.

The post Kai Sotto umayaw sa Gilas bubble first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kai-sotto-umayaw-sa-gilas-bubble/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kai-sotto-umayaw-sa-gilas-bubble)