Naghahanda na ang lokal na pamahalaan ng Kalibo sa pagdating ng 16,200 AstraZeneca COVID-19 sa mga susunod na linggo.

Ayon sa ulat ng GMA News, kasama sa darating na batch ng AstraZenecas COVID-19 vaccine sa bansa ang suplay na nakalaan para sa Kalibo.

Bilang paghahanda, nagsagawa ng simulation exercise ang mga awtoridad sa naturang lungsod kung saan sinundo nila ang bakuna sa Kalibo International Airport at inihatid sa kanilang cold storage facility.

Bukod dito, magsasagawa rin ng simulation activity ang natuang LGU sa mga residente na magpapabakuna.

The post Kalibo naghahanda nang humawak ng AstraZeneca vaccine first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kalibo-naghahanda-nang-humawak-ng-astrazeneca-vaccine1/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kalibo-naghahanda-nang-humawak-ng-astrazeneca-vaccine1)