Isinailalim sa pansamantalang lockdown ang Kamara de Representante dahil sa “nakaaalarmang” pagdami ng mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.

Sa isang anunsiyo kaninang madaling-araw, sinabi ng Kamara na magtatagal ang lockdown mula ngayong Huwebes, Marso 18, hanggang Linggo, Marso 21.

“In view of the alarming increase in COVID-19 cases in Metro Manila and as added precautionary measure, the House of Representatives will impose a temporary lockdown starting on Thursday, 18 March 2021 until Sunday, 21 March 2021,” saad ng Kamara.

“Everyone is enjoined to stay at home during the lockdown not just to protect ourselves but also to help arrest the spread of the virus,” dagdag nito.

Ang mga committee meeting, public hearing, at iba pang event sa Kamara na nakatakda sa lockdown ay gagawin anila sa pamamagitan ng Zoom at livestreaming platforms.

Sa ngayon, tatlong mambabatas na ang nagsabing dinapuan sila ng coronavirus disease: sina Anakalusugan partylist Rep. Mike Defensor, Majority Leader Martin Romualdez, at Negros Oriental Rep. Jocelyn Sy Limkaichong.

The post Kamara ni-lockdown first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kamara-ni-lockdown/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kamara-ni-lockdown)