Simula Biyernes, Marso 19, ay bawal na ang mga turista sa Kaybiang Tunnel sa Cavite.

Madaraanan na lang ito ng mga motorista na papuntang Nasugbu, Batangas.

Binahagi ni Cavite Governor Jonvic Remulla sa Facebook na maraming nag-report sa kanya na ang naturang lagusan sa Mt. Pico de Loro ay nagiging sanhi ng traffic, basura, at umabot pa sa mga lokal na turista ang sila-silang nagba-bardagulan doon.

Dahil libu-libo aniya ang mga bisikleta, motorsiklo, at sasakyan na tumitigil sa tunnel para mag-selfie o mag-picture-taking, nagkakaroon aniya ng “nonstop traffic at bottleneck mula entrance at exit ng tunnel.”

Kaya simula Biyernes, ani Remulla, bawal na ang pagparada ng lahat ng uri ng sasakyan, pagkain, pagkuha ng litrato, pagtambay at pagbusina sa Kaybiang.

Magkakaroon na rin aniya ng checkpoint areas ang pulisya sa Tanza, Naic, Maragondon at Ternate.

“Hindi ko naman kagustuhan ang basagan ng trip. Ngunit responsibilidad ko din na siguraduhin na maayos ang counterflow ng traffic at maintenance ng law and order sa ating mga lansangan,” sambit ng gobernador.

“In the meantime: STAYING IN IS THE NEW GOING OUT,” dagdag niya.

https://www.facebook.com/JonvicRemullaJr/posts/3585719408205019?__cft__[0]=AZWCz0ViCtnGNhnE6ex7-T8P5Qnu9bNCgdas5FlTBfbLfiXgFNclhut0YIIBbm5-KO-cl-jTxBnvELuSkzJvB79v45UnMrgfg2JzR7sPD2bJdazX1IOjo_CXr-ekp3fFLp8-AbQhJvF1uPPqQ83lP25Y&__tn__=%2CO%2CP-R

The post Kaybiang Tunnel dineklarang ‘no tourism zone’ first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kaybiang-tunnel-dineklarang-no-tourism-zone/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kaybiang-tunnel-dineklarang-no-tourism-zone)