Dagdag si Kelly Nabong sa mga big man ng Blackwater Bossing matapos itong kunin ng koponan para sa susunod na season.

Ito’y nang hindi na pabalikin ng NorthPort Batang Pier si Nabong matapos ang stint sa bubble conference.

Magsisilbing homecoming ito para sa 32-year old enforcer, na dating naglaro sa Blackwater noong nasa PBA D-League pa lamang ito.

Nag-average ng 11.5 points at 5.1 rebounds si Nabong para sa NorthPort sa nagdaang season.

Bukod kay Nabong, pirmado na rin ang mga rookie ng Blackwater na sina Rey Mark Acuno, Joshua Torralba at Andre Paras.

The post Kelly Nabong bubrusko sa Blackwater first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kelly-nabong-bubrusko-sa-blackwater/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kelly-nabong-bubrusko-sa-blackwater)