Batay sa Memorandum na pirmado ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza, ang mga kongresista na nais na pisikal na dumalo sa sesyon ay kailangang magsumite ng pangalan sa Office of the Secretary General isang araw bago ang sesyong nais daluhan.

“The final list of House members shall be posted at the entrance of the Plenary Hall prior to the start of the session,” saad sa Memorandum.

Nakatakda sa Marso 24 ang huling sesyon ng Kamara bago ang Holy Week break nito. Magbabalik ang sesyon sa Mayo 17.

Bukod sa mga kongresista, 20 empleyado rin na kailangan sa pagsasagawa ng sesyon ang papayagan sa loob ng plenaryo. Ang mga empleyado ay pauuwiin na ng alas-6 ng gabi.

Wala ring bisita na papayagang pumasok sa Batasan Complex sa Quezon City at ang mga delivery ay hanggang entrance lamang.

“We wish to inform you that preparation for the vaccination program is underway. We urge everyone to get vaccinated. With the critical need to achieve herd immunity, having oneself inoculated is not just for our personal gain. It is for our families, and for the entire nation as well. It is a social responsibility that we should take,” saad ng Memorandum ni Mendoza.

Samantala, nanawagan si Speaker Lord Allan Jay Velasco sa publiko na sundin ang payo ng eksperto na manatili na lamang sa bahay upang hindi mahawa ng COVID-19.

“This way, we are not only helping curb the spread of the virus but more importantly we are saving lives,” ani Velasco. “Let us do our part by not leaving our homes unless it is for essentials or emergencies.”

The post Kongresista na puwede sa plenary hall, limitado sa 20 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kongresista-na-puwede-sa-plenary-hall-limitado-sa-20/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kongresista-na-puwede-sa-plenary-hall-limitado-sa-20)