Sa teorya, sabi ni Sen. Ping Lacson, malinaw dapat kung ano ang pipiliin sa kapitalismo o humanitarianism.

Kaso may iba pa aniyang opsyon ang “mga walang prinsipyong tao”: Covid corruption.

“Covid capitalism vs Covid humanitarianism. In theory, the choice is clear. Unscrupulous people have another choice: Covid corruption,” ayon sa Twitter post ng mambabatas, Linggo. “On their day of reckoning, they will burn in hell.”

Sa araw aniya ng pagtutuos sa mga ito ay susunugin ang mga walang prinsipyong tao sa impiyerno.

Hindi naman isinaad ni Lacson kung sinong personalidad ang kanyang tinutukoy sa kanyang mensahe, na nilabas niya matapos niyang punahin ang mabagal na pag-usad ng COVID-19 vaccination program ng pambansang gobyerno.

Binanggit din ng senador na marami pang pwedeng iunlad sa coronavirus response ng gobyernong Duterte.

The post Korap sa Covid masusunog sa impyerno – Ping first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/korap-sa-covid-masusunog-sa-impyerno-ping/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=korap-sa-covid-masusunog-sa-impyerno-ping)