Aminado si Marikina Mayor Marcy Teodoro na kulang ang kanilang mga quarantine facility sa patuloy na pagsirit ng COVID-19 cases sa Metro Manila.

Ayon sa alkalde, nagkaroon ng 200-percent na pagtaas ng mga COVID-19 positive sa kanilang lungsod sa mga nakalipas na araw.

Aniya, nasa 890 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Marikina, kaya naman nag-ooperate na ang kanilang mga ospital na lampas na sa kapasidad.

“We need to refer patients [in] hospitals outside of Marikina,” saad ni Teodoro sa panayam ng ANC.

Dahil sa kakulangan ng mga quarantine facility, nagsasagawa ng lockdown ang lungsod sa buong kabahayan kung magkamag-anak o nakatira sa iisang bubong ang nagkahawaan.

“If all members of the family are positive, we lockdown the household,” lahad ni Teodoro.

Kapag naman may ilang nagnegatibo sa virus, iyon ang kanilang hinihiwalay at nilalagay muna sa mga hotel hanggang sa tinatapos ng mga nagpositibo ang kanilang quarantine.

The post Kulang na quarantine facility: Lockdown ng buong bahay solusyon ng Marikina first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/kulang-na-quarantine-facility-lockdown-ng-buong-bahay-solusyon-ng-marikina/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=kulang-na-quarantine-facility-lockdown-ng-buong-bahay-solusyon-ng-marikina)