Tinawag ni Senador Ping Lacson ang atensyon nina vaccine czar Carlito Galvez Jr at Health Secretary Francisco Duque para mapakita ang paraan ng Estados Unidos sa pagbabakuna.

Sa binahaging video ni Lacson, pinakita ang episyenteng vaccine rollout sa Arizona kung saan nakapagtuturok sila ng isang bakuna kada 10 segundo.

Isang drive-thru vaccination center ang tinayo sa naturang lugar para mapadali ang pagbabakuna.

Ni-report kina US President Joe Biden at Vice President Kamala Harris na umaabot sa 8,000 hanggang 9,000 ang nababakunahan sa nasabing center kada araw.

24 oras din ang operasyon ng kanilang vaccination center, at kayang umabot sa 12,000 katao na maturukan kada araw.

Saad pa sa video, naging posible ang rollout sa pakikikipagtulungan ng estado sa Federal Emergency Management Agency at Department of Defense.


The post Lacson kina Duque, Galvez: Matuto tayo sa pagbabakuna ng US first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lacson-kina-duque-galvez-matuto-tayo-sa-pagbabakuna-ng-us/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lacson-kina-duque-galvez-matuto-tayo-sa-pagbabakuna-ng-us)