Ang kabuuang halaga ng mga aprubadong pautang para sa pagbili ng Pilipinas ng mga COVID-19 vaccine ay pumalo na sa tumataginting na P126 bilyon.

Sabi ito ni Senador Ping Lacson sa Twitter ngayong Huwebes ng umaga, Marso 18.

Nilista ng mambabatas ang mga utang ng bansa sa World Bank, Asian Development Bank, at Asian Infrastructure Investment Bank na naapruba mula Abril 2020 hanggang Marso 2021 at nagkakahalagang $2.4 bilyon.

Dinagdag niya rin ang Bayanihan budget ng Department of Health (DOH) na P10 bilyon.

Saad ni Lacson, ang lahat ng ito ay katumbas ng P126.75 bilyon kung P48.64 ang halaga ng kada US$1.

“NASAAN KA BAKUNA?” usisa niya.

The post Lacson: Nasaan ka, bakuna? first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lacson-nasaan-ka-bakuna/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lacson-nasaan-ka-bakuna)