Umaasa si Senador Panfilo “Ping” Lacson na wala nang mangyayaring “dropping of the ball” at lahat ng negosasyon ng gobyerno sa pagbili ng COVID-19 vaccine ay magtutuloy-tuloy lalo na’t patuloy pa rin ang pagtaas na kaso ng virus sa bansa.

“Hopefully wala nang dropping of the ball. Because we cannot afford tumataas ang infection at kaso. Huwag na sana,” pahayag ni Lacson sa panayam sa DZBB.

Ang tinutukoy ni lacson ang isyu na ibinunyag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro “Teddy Boy” Locsin, Jr. laban kay Health Secretary Francisco Duque III na inakusahan nitong nakialam diumano sa negosasyon American drug maker Pfizer.

Noong Disyembre 2020, sinabi ni Lcosin na siya at Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babes” Romualdez ay nakipag-negosasyon apra sa 10 milyon doses ng Pfizer-BioNTech vaccines na nakatakda sanang dumating sa bansa noong Enero 2021 subalit hindi natuloy dahil may nakialam sa negosasyon.

Ayon kay Lacson, kung maaulit muli ang pagbagsak ng vaccine ng vaccination negotiation, makakaapekto ito sa layunin ng gobyerno na maabot ang “heard immunity” sa lalong madaling panahon.

“Kaya dapat wala nang dropping of the ball the second time around. Tama na ang once,” sabi pa ni Lacson.

The post Lacson: Wala na sanang may makiaalam sa COVID-19 vaccine procurement first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lacson-wala-na-sanang-may-makiaalam-sa-covid-19-vaccine-procurement/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lacson-wala-na-sanang-may-makiaalam-sa-covid-19-vaccine-procurement)