Binago ng pambansang gobyerno ang mga restriksyon nito sa international travel at pinayagan na ang pagpasok sa Pilipinas ng lahat ng mga Filipino citizen, overseas Filipino worker (OFW) man o hindi.

Ni-revise ng National Task Force Against COVID-19 (NTF) ang una nitong nilabas na memo tungkol sa entry ban.

Dahil dito, papapasukin na sa bansa maging ang mga non-OFW.

Habang suspendido pa rin ang pagpasok ng mga dayuhan mula Marso 22 hanggang Abril 21, 2021.

Magugunitang noong Marso 16, naglabas ang NTF ng memo kung saan tanging mga OFW ang pwedeng lumapag sa bansa dahil sa mabilis na pagsirit ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

The post Lahat ng Pinoy mula abroad pwede na pumasok sa PH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lahat-ng-pinoy-mula-abroad-pwede-na-pumasok-sa-ph/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lahat-ng-pinoy-mula-abroad-pwede-na-pumasok-sa-ph)