Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikalawang pagbasa ang panukala na gawing special non-working holiday ang April 27 bilang pagkilala sa kabayanihang ni Lapu-Lapu.

Ayon kay Lapu-Lapu City Rep. Paz Radaza, may-akda ng House Bill 8897 Ang tagumpay ni Lapu-Lapu at kanyang mga tauhan sa Battle of Mactan noong Abril 27, 1521 laban sa mga Espanyol na pinangungunahan ni Ferdinand Magellan ay isang mahalagang pangyayari sa kasaysayan ng bansa.

Ani Radaza ang Rizal Day tuwing Disyembre 30 at Bonifacio Day kada Nobyembre 30 ay regular holiday samantalang ang Lapu-Lapu day ay isang Special Working Public Holiday.

“May I point out non-parallelism in considering celebrations of heroes holidays in our country,” ani Radaza.

The post Lapu-Lapu i-level kay Rizal, Bonifacio first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lapu-lapu-i-level-kay-rizal-bonifacio/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lapu-lapu-i-level-kay-rizal-bonifacio)