Nanawagan ang gobyerno ng Pilipinas na palayain na ang nakapiit na pinuno ng Myanmar na si Aung San Suu Kyi.

Umapela rin si Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr. na manumbalik na sa dati ang sitwasyon sa Myanmar, na ngayon ay puno ng tensiyon dahil sa kudeta ng militar at sunud-sunod na protesta ng mga mamamayan doon.

“Our call is for the complete return to the previously existing state of affairs: with respect to the preeminent role of Daw Aung San Suu Kyi; alongside the Army her father created for the protection of the people he led to freedom and the country he gave them at the cost of his life. This is what is needed,” bigkas ni Locsin sa impormal at online na pulong ng ASEAN foreign ministers, sa ulat ng ABS-CBN.

“And the first step should be for the immediate release of Daw Aung San Suu Kyi and subsequent dialogue among the parties involved in their country’s destiny. The rest of ASEAN must stand by Myanmar; ready to give what help it is asked by the people and government of Myanmar.”

Lumahok sa pulong ang lahat ng 10 foreign ministers ng ASEAN, kabilang ang military-appointed foreign minister ng Myanmar na si Wunna Maung Lwin.

Inagaw ng militar ang kapangyarihan ng pamahalaan ng Myanmar matapos paratangan ng nauna na may dayaan sa halalan doon noong Nobyembre. Samantala, lalong nagiging marahas ang pang-araw-araw na mga protesta roon habang sinisikap ng otoridad na magapi ang mga raliyista.

The post Lider ng Myanmar pakawalan na – ‘Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lider-ng-myanmar-pakawalan-na-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lider-ng-myanmar-pakawalan-na-pinas)