Sa nagdaang 24 oras, naitala sa Bulkang Pinatubo ang 46 volcanic earthquakes.

Ayon ito sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa kanilang 8 a.m. bulletin ngayong Miyerkoles, Marso 17.

Kasalukuyang nakataas ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang “mayroong bahagyang pagligalig na maaaring dulot ng tectonic na kaganapan sa ilalim ng bulkan at hindi naman namamataan ang pagputok nito sa nalalapit na panahon.”

Saad ng Phivolcs, dapat patawan ng matinding pag-iingat at iwasan hangga’t maaari ang pagpasok sa Pinatubo Crater.

“Ang mga pamayanan at lokal na pamahalaan sa paligid ng Pinatubo ay pinaalalahanan na laging maging handa laban sa mga panganib ng lindol at pagputok ng bulkan at muling suriin, ihanda at pagtibayin ang kanilang contingency, emergency at iba pang planong paghahanda laban sa sakuna,” dagdag ng ahensya.

The post Lindol na umuga sa Pinatubo akyat sa 46 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lindol-na-umuga-sa-pinatubo-akyat-sa-46/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lindol-na-umuga-sa-pinatubo-akyat-sa-46)