Inuga ng magnitude 4.0 na lindol ang Davao del Sur nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa Phivolcs, naganap ang lindol sa 4 kilometro southeast ng Magsaysay, bandang 10:36 ng gabi.

Itong tectonic quake ay may lalim na 17 kilometro.

Naranasan ang mga sumusunod:

Intensity 3 – Magsaysay, Davao del Sur
Intensity 2 – Kidapawan City at Bansalan, Davao del Sur

Instrumental Intensity 3 – Kidapawan City
Instrumental Intensity 2 – Koronadal City at Malungon, Sarangani
Instrumental Intensity 1 – General Santos City at Alabel, Sarangani

Saad ng Phivolcs, itong bagong lindol ay isang aftershock ng magnitude 6.1 na lindol na tumama sa parehong bayan noong Pebrero 7.

Pareho namang hindi inaasahan ang mga aftershock at pinsala sa ari-arian matapos ang pagyanig.

lindol,Davao del Sur,Phivolcs,Magsaysay, Davao del Sur,Kidapawan City,Bansalan, Davao del Sur,

The post Lindol tumama sa Davao Sur first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lindol-tumama-sa-davao-sur/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lindol-tumama-sa-davao-sur)