Niyanig ang Surigao del Sur ng magnitude 4.1 na lindol kaninang Lunes ng madaling-araw.

Ayon sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang nasabing pagyanig ay tumama bandang 1:18 ng umaga, Marso 15, sa 26 kilometro timog-silangan ng bayan ng Hinatuan.

Tectonic ang origin at may lalim na 81 kilometro ang lindol.

Parehong hindi inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang nasabing lindol, saad pa ng Phivolcs.

The post Lindol umalog sa Surigao del Sur first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lindol-umalog-sa-surigao-del-sur/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lindol-umalog-sa-surigao-del-sur)