Hiling ni Trade Secretary Ramon Lopez, huwag sanang mag-panic buying ang mga Pinoy habang papalapit na ang 1-linggong lockdown sa Greater Manila Area.

Paliwanag ng kalihim, may sapat na suplay ng essential goods na tatagal sa enhanced community quarantine (ECQ) period sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal na mula Marso 29 hanggang Abril 4.

“Paalala lang: huwag mag-alala, huwag mag-panic buying. Maraming food supply, maraming imbentaryo,” ani Lopez sa dzBB ngayong araw, Marso 28.

“Kahit nung first time tayo nag-ECQ, walang shortage ng necessities and prime commodities natin,” sabi niya pa.

Ito, matapos mapaulat na dinumog kaninang umaga ang Balintawak Market sa Quezon City at ang Divisoria sa Maynila.

The post Lopez: ‘Wag mag-panic buying first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lopez-wag-mag-panic-buying/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lopez-wag-mag-panic-buying)