Naibenta ni Kyle Lowry ang kanyang bahay sa Toronto, Canada sa halagang $5.12 milyon o P249.04 milyon.

Batay sa ulat ng Toronto Star, mas mababa itong presyo kaysa sa $5.3 milyon na hinihingi ng Toronto Raptors player.

Nabili niya ang naturang property sa halagang $5.25 milyon noong 2017.

Ang bahay ay may sukat na 5,000 square feet, may 5 silid, 10 banyo, elevator, sauna, at waterfall sa bakuran.

Sa ngayon, nasa huling taon na si Lowry, 34, ng kanyang 3-taong kontrata sa Raptors.

The post Lowry binenta bahay sa Toronto first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lowry-binenta-bahay-sa-toronto/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lowry-binenta-bahay-sa-toronto)