Upang makalikha ng mga “safe driver” sa bansa, nagsanib-puwersa ang Land Transportation Office (LTO) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) upang magkaroon ng iisang pamantayan sa pagtuturo sa mga driver, at dekalidad at abot-kayang training sa mga ito.

Sa isang pahayag, sinabi ng LTO na sa pamamagitan ng memorandum of agreement (MOA) na nilagdaan nila noong Biyernes, matitiyak ang pagkakapareho ng mga pamantayan sa training sa mga driving school at pagkakaroon ng murang training course upang mapataas ang kakayanan ng mga nagmamaneho.

Dagdag ni LTO Chief Edgar Galvante, sa pakikipag-isa nila sa TESDA, mas maraming libreng driving course rin ang maaalok sa publiko.

Mapapalakas din ng MOA ang TESDA at mga training center nito na nag-aalok ng Theoretical Driving Course at Practical Driving Course na katumbas ng inaalok ng mga Driver’s Education Center ng LTO.

Aniya pa, magiging katumbas din ang TESDA Driving National Certificates courses ng inaalok ng LTO.

“The MOA will complement the existing training to address uniformity and standard, at the same time comply with the ease of doing business. This will greatly help the LTO respond to the demand for quality and less expensive driving courses,” sambit ni Galvante.

The post LTO, TESDA nagsanib para sa mura, dekalidad na driving course first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/lto-tesda-nagsanib-para-sa-mura-dekalidad-na-driving-course/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=lto-tesda-nagsanib-para-sa-mura-dekalidad-na-driving-course)