Dagdag na 11 araw ng lockdown at walang ayuda.

Ito ang babala ni Makati City Mayor Abby Binay sa mga residente sa localized enhanced community quarantine (LECQ) areas na ayaw sumailalim sa COVID-19 mass testing.

Magugunitang may ilang lugar sa Barangay Pio del Pilar na nilagay sa 3-araw na granular lockdown matapos maiulat ang kumpulan ng coronavirus cases doon.

“Babala sa mga ayaw magpa-PCR Test sa LECQ areas: Dagdag na 11 days mandatory lockdown at walang ayuda,” tweet ng alkalde, Marso 15 ng hapon.

“Ang pakikiisa ng ilan ay para sa kaligtasan ng nakararami,” dagdag niya.

Required na magpa-test ang mga residente roon, at tanging ang mga may negatibong resulta ang papayagang lumabas ng bahay.

Hanggang nitong Marso 16, may 12,662 kaso na ng COVID-19 sa Makati, kabilang ang 868 active case.

Ang Barangay Pio del Pilar ang may pinakamaraming aktibong kaso sa 134.

The post Makati nagbabala vs. mga ayaw sa swab test first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/makati-nagbabala-vs-mga-ayaw-sa-swab-test/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=makati-nagbabala-vs-mga-ayaw-sa-swab-test)