Nasalba ng mga crew member mula M/V Reina Neptuna ng Montenegro Shipping Lines ang isang mangingisda malapit sa Balesin Island.

Saad ng kapitan ng barko na si Andy Rogon, nakita ng kanyang second officer ang mangingisda na nasa karagatan kaya’t agad nila itong pinuntahan.

Nakilala ang mangingisda na isang residente mula Polillo, Quezon, at sinabing tumaob ang kanyang bangkang sinasakyan at nagpalutang-lutang na sa dagat ng ilang oras.

Nagpasalamat naman ang mangingisda sa pagligtas sa kanya ng crew mula Romblon.

The post Mangingisda naligtas ng mga taga-Rombon first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mangingisda-naligtas-ng-mga-taga-rombon/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mangingisda-naligtas-ng-mga-taga-rombon)