Target ng gobyerno na maabot ang herd immunity ngayong taon para magkaroon na ng “better Christmas” ang mga Pinoy.

Ang herd immunity ay kapag may sapat na bilang na ng populasyon na immune sa isang sakit, para hindi na ito maikalat pa sa iba pang lugar.

“Ngayon, ang aming declaration is we will have a better Christmas this year. Kailangan ‘yun ang target namin: na we will have a better Christmas. We will inoculate 70 million at nakita namin [na] kaya natin ito kapag nagkaroon tayo ng steady supply ng [bakuna],” wika ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. sa ABS-CBN, Huwebes.

“Ang target pa rin natin is yung 50 to 70 million [katao]. Talagang ang target natin ngayong year is herd immunity,” punto niya pa.

Gayunman, aminado ang opisyal na kasalukuyang mabagal ang pagbabakuna kontra coronavirus sa bansa.

“Sa ngayon, mabagal talaga tayo kasi ang [prayoridad] natin, healthcare workers. Kasi ang nakikita natin, mahirap na sabay-sabayin natin yung ating healthcare workers kasi walang tatao sa ating ospital kung may adverse effects,” paliwanag niya.

The post Mas maganda na Pasko natin sa 2021 – Galvez first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mas-maganda-na-pasko-natin-sa-2021-galvez/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mas-maganda-na-pasko-natin-sa-2021-galvez)