Binawi ng Inter-Agency Task Force ang bahagyang pagluluwag sa mass gatherings pati na sa dine-in capacity ng mga restaurant dahil sa tumataas na namang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na napagpasyahan sa pulong ng IATF nitong Huwebes na ipapad ang “circuit breaker” approach para maagapan ang mas pagkalat pa ng COVID contamination sa bansa lalo na sa Metro Manila.

Mulong hinigpitan aniya ang mga industriyang binuksan na noong Pebrero para maagapan ang mas lalo pang pagsirit ng COVID cases.

“Bilang bahagi ng tinatawag na “circuit breaker” approach,isasara muna ang mga industriyang binuksan noong Pebrero at ibabalik ang mass gatherings to 30%, kasama na po diyan yung mga religious gatherings. Back to 30% muna tayo,” ani Roque.

Ang mga restaurant na pinayagang magbukas ng hanggang 70% noong nakalipas na buwan ay ibinalik sa 50%.

Kabilang sa mga sakop ng circut breaker approach ang mga sinehan, arcade, pasyalan , driving schools at iba pa hindi lamang sa Metro Manila kundi sa mga lugar na sakop din ng general community quarantine status.

The post Mass gatherings balik sa 30%, resto 50% ulit first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mass-gatherings-balik-sa-30-resto-50-ulit/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mass-gatherings-balik-sa-30-resto-50-ulit)