Nagpasalamat ang aktres na si Angel Locsin sa pagtalima ni Pasig Mayor Vico Sotto sa 14-day quarantine kahit pa nagnegatibo na ito sa COVID-19.

Sa tweet ni Vico, binahagi nito ang kanyang panghuling araw ng quarantine buhat nang ma-expose sa isang COVID-19 positive.

Matatandaan na nasawi ang kanyang driver, na kanya ring matalik na kaibigan, dahil sa naturang virus.

“Nag-negative ako sa PCR test nung ika-apat na araw mula exposure, kaya safe ‘yung nakasalamuha ko pa nung March 12,” ayon sa alkalde.

“Kahit negative, tinapos ko pa rin ang 14 days dahil ito ang sabi sa DOH Guidelines. Maaari kasing nag-i-incubate pa lang ang virus,” aniya pa.

Nag-react naman ang Kapamilya actress sa naturang tweet ni Vico.

“Glad you’re ok! Maraming salamat sa pagsunod sa rules!” sey ni Angel.

The post Masunurin sa quarantine! Angel bumilib kay Vico first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/masunurin-sa-quarantine-angel-bumilib-kay-vico/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=masunurin-sa-quarantine-angel-bumilib-kay-vico)