Anim na taong naging ka-Barangay si Greg Slaughter, na ngayo’y naputol na matapos siyang i-trade ng Ginebra.

Sa Instagram post ni Slaughter, sinuot niya ang kanyang Ginebra jersey sa huling pagkakataon at nagpasalamat sa mga sumuporta sa kanya sa ‘Never Say Die’ team.

Inamin din niyang nalungkot siya sa nangyari, at tinitingnan ang mga ispesyal na naranasan niya sa poder ng Ginebra.

“Although I am saddened to know that my journey with them has officially come to an end, from the first pick in the draft to all star and multiple championships, I will always look back fondly at the time I spent there,” ayon kay ‘Gregzilla’.

Nagpasalamat din si Slaughter sa mga bossing ng San Miguel Corp. at mga fan na nakasuporta sa kanya.

Sa bagong team niya na NorthPort, siniguro ni Slaughter na ibubuhos niya ang lahat ng makakaya.

“I still have my best basketball ahead of me. I have so much left to give the game and just as blessed as ever to play the game I love in front of all the fans who have been with me through it all, no matter what jersey I wear,” aniya pa.

Na-trade si Slaughter kapalit si Christian Standhardinger mula sa Batang Pier.


The post May ibubuga pa! Slaughter nalungkot sa trade first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/may-ibubuga-pa-slaughter-nalungkot-sa-trade/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=may-ibubuga-pa-slaughter-nalungkot-sa-trade)