Pinuri ni Valenzuela Mayor Rex Gatchalian si Senador Panfilo “Ping” Lacson at sinabing isa itong mambabatas na nauunawaan ang sitwasyon ng publiko.

Reaksyon ito ni Gatchalian kaugnay sa isang artikulo ng Politiko kung saan sinabi ni Lacson na “good move” ang pagpapatupad ng curfew sa Metro Manila laban sa pagkalat ng COVID-19.

“He is a senator that understands the situation on the ground…” tweet ni Gatchalian, Marso 13, sa artikulo na may pamagat na “Good move! Ping agrees with NCR curfew to curb COVID cases”.


Magugunitang noong Marso 11 nagkasundo ang mga alkalde sa Metro Manila na magpatupad ng parehong curfew hours simula sa Lunes, Marso 15.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos Jr., itatakda ang uniform curfew hours na alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling-araw sa loob ng dalawang linggo sa nabanggit na rehiyon.

The post Mayor Rex kay Ping: Senador na marunong umunawa first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mayor-rex-kay-ping-senador-na-marunong-umunawa1/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mayor-rex-kay-ping-senador-na-marunong-umunawa1)