Inihayag ni Police Lieutenant General Guillermo Eleazar na 78% ng mga kawani ng Philippine National Police (PNP) ang willing mabakunahan kontra COVID-19.

“As of now, 78% of all the PNP personnel are willing to be vaccinated,” wika ni Eleazar.

Ayon sa ulat ng GMA News, 800 medical frontliner ng ahensya ang naturukan na ng Sinovac vaccine.

Anang ahensya, pinauna nilang turukan ang mga PNP personnel na medical officer, healthcare frontliner at mga naging katuwang ng Department of Health sa malawakang pagbabakuna.

Ayon sa ulat, 1,200 doses ng Sinovac COVID-19 vaccine ang itinabi ng pamahalaan para sa naturang ahensya.

The post Mayorya ng PNP willing magpabakuna vs Covid – opisyal first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mayorya-ng-pnp-willing-magpabakuna-vs-covid-opisyal/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mayorya-ng-pnp-willing-magpabakuna-vs-covid-opisyal)