Nangako ang Manila Electric Company na ipagpapaliban mula nila ang lahat ng kanilang disconnection activity hanggang Abril 15.

Sinabi ito ni Meralco First Vice President Ferdie Geluz noong Sabado, kung kailan inanunsiyo ng Palasyo na isasailalim na sa lockdown o enhanced community quarantine ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal mula Marso 29 hanggang Abril 4, 2021.

“Cognizant of the plight of our customers amid these challenging times brought about by the pandemic & in support of the government’s effort to manage the transmission of Covid-19, we commit to put on hold all disconnection activities until April 15, 2021,” ani Geluz.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque nitong Sabado, Marso 27, inaprubahan ni Pang. Duterte ang rekomendasyon ng IATF na i-ECQ ang Greater Manila Area, matapos maiulat ang 9,595 bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa parehong araw.

The post Meralco awat sa putulan hanggang Abril 15 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/meralco-awat-sa-putulan-hanggang-abril-15/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=meralco-awat-sa-putulan-hanggang-abril-15)