Maglalaan ang gobyerno ng pinakamalaking bahagi ng supply ng coronavirus disease vaccine sa National Capital Region (NCR), ang kinokonsiderang sentro ng pandemya sa bansa.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr., 130,000 dose ng coronavac vaccine mula sa Sinovac Biotech ng China ang ibibigay sa mga NCR hospital.

“So nakita po natin sa NCR, considering na iyong NCR mayroon tayong 17 highly urbanized na cities, mayroon po tayo na 130,000,” sabi ni Galvez kay Pangulong Rodrigo Duterte sa lingguhang Cabinet briefing Lunes ng gabi.

Ang alokasyon sa Metro Manila ay bahagi ng kabuuang 146,000 dose na ipamamahagi sa tatlong lugar kabilang ang CALABARZON at Baguio City.

Kabuuang 70,000 dose naman ang hahatiin sa limang rehiyon na Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, MIMAROPA at Bicol.

216,000 dose ang mapupunta sa Luzon; 26,000 dose sa Visayas at 24,000 dose sa Mindanao.

The post Metro Manila bubuhusan ng COVID-19 bakuna first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/metro-manila-bubuhusan-ng-covid-19-bakuna/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=metro-manila-bubuhusan-ng-covid-19-bakuna)