Dahil sa mabilis na pagsirit ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa, pansamantalang sinuspinde ng Pilipinas ang pagpasok ng mga dayuhan at mga Pilipino na hindi overseas Filipino worker (OFW).

Nakasaad sa memorandum ng National Task Force Against COVID-19 (NTF) na magtatagal ang entry ban mula Marso 20 hanggang Abril 19.

Narito naman ang mga exempted sa naturang travel suspension:

– mga may 9(C) Visa
– mga may medical repatriation at kanilang escort na inendorso ng Department of Foreign Affairs – Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (DFA-OUMWA) o Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
– mga distressed returning OFW na inendorso ng DFA-OUMWA
– mga may emergency, humanitarian, at iba pang analogous case na aprubado ng NTF

Bukod dito, ang bilang ng mga papasok na pasahero bago magkabisa ang suspensyon ay malilimitahan sa tanging 1,500 kada araw.

The post Mga biyahero mula abroad, bukod sa OFW, bawal muna pumasok sa PH first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-biyahero-mula-abroad-bukod-sa-ofw-bawal-muna-pumasok-sa-ph/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-biyahero-mula-abroad-bukod-sa-ofw-bawal-muna-pumasok-sa-ph)