Tanging 180 lamang sa mahigit isang libong tauhan ng Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium (Tala Hospital) sa Caloocan City ang willing magpaturok ng Sinovac COVID-19 vaccine.

Ayon sa ulat ng Unang Balita, sinabi ng isang opisyal sa pagamutan na hindi naman masasayang ang 600 bakunang ibinigay sa kanila kanina ng pamahalaan.

“Hindi ito masasayang, ‘no? Number one, ‘yung Sinovac, ang kaniyang shelf life is six months. Number 2, ‘yung sobra kukunin ho yung pangalan dun sa tinatawag na quick substitution list,” wika ni Dr. Alfonso Victorino Famaran, na siyang medical center chief ng naturang ospital.

Aniya, galing umano sa iba’t ibang national government ang nga tao sa ilalim ng substitution list.

“Ang mga tao dito [sa list] o vaccinees na volunteers [ay] galing sa ibang national government hospitals para makabuo kami ng 300 vaccinees po.”

The post Mga empleyado ng Tala Hospital atras sa pagpapaturok ng Sinovac vaccine first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-empleyado-ng-tala-hospital-atras-sa-pagpapaturok-ng-sinovac-vaccine/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-empleyado-ng-tala-hospital-atras-sa-pagpapaturok-ng-sinovac-vaccine)