Hindi umano pipilitin ang mga estudyante sa pilot testing ng face-to-face classes sa piling mga paaralan sa bansa.

Ito ang sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate basic education committee, kung sa isinusulong na simulan na ang pilot run ng face-toface- classess sa 1,000 eskuwelahan sa buong bansa,

“Walang pilitan ito. Kung ang ating mga magulang ay di komportable sa pagpapadala ng kanilang anak sa eskuwelahan, hindi ho pipilitin,” pahayag ni Gatchalian sa panayam sa Teleradyo.

Bingiyang diin nito na mahalagang ang face-to-face classsess sa mga bata para ma-develop ang kanilang socio-emotional skills.

“Hindi lang pag-aaral ang pinakaimportante sa mga bata. Ang pinakamahalaga sa kanila ang paghahalubilo, pakikipagkapwa-tao dahil ito ay nadedevelop ang kaniyang communication,” ani Gatchalian.

Sinabi din ni Senador Joel Villanueva na hindi naman required ang mga bata na sumali sa panukalang pilot run ng face-to-face classes.

“Hindi ito (It’s not) mandatory. The parents can make the decision of allowing their children to go to classes,” sabi ni Villaneuva.

Nauna nang pinagtibay ng Senado ang isang resoluyon na nagrerekomenda na magsagawa ng face-to-face pilot clashes sa mga lugar na mababa o walang kaso ng coronavirus.

Maari umanong simulant ito sa 200 bayan na walang naitalang kaso ng COVID-19.

Kailangan lang aprubahan ito ng local government, mga local health official at ng school bago ito masimulan.

“We are one of the 14 out of 190 countries in the world that maintained this full closure of our schools and its not sitting well with the data we’ve been receiving. Even pre-pandemic we don’t get good international assessment,” ayon kay Villaneuva.

The post Mga estudyante hindi pipilitin sa dry run ng face-to-face classes – Gatchalian, Villanueva first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-estudyante-hindi-pipilitin-sa-dry-run-ng-face-to-face-classes-gatchalian-villanueva/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-estudyante-hindi-pipilitin-sa-dry-run-ng-face-to-face-classes-gatchalian-villanueva)