Hinikayat ni Senadora Grace poe ang mga mag-aaral na wala pang gadget na sumali sa loan program na iniaalok ng Land Bank of the Philippines para maging maayos ang kanilang pag-aaral sa online learning.

“For many families, the leap to digital has become prohibitively expensive. We must enable them to obtain devices as an investment for their children’s education,” sabi ni Poe sa isang statement.

Ayon kay Poe, dapat maging friendly at simple lamang, lalo na sa mga mahihirap na pamilya ang panuntunan at implementasyon sa pagkuha ng loan program na ito.

“The less complicated the processes are, the higher the likelihood we can draw more interest into this program,” Poe said.

Sa ilalim ng loan program, maaring umutang ang estudyante ng P50,000 na gagamiting pambili ng learning gadget tulad ng laptop, desktop o tablet para sa online learning.

Ang halaga ay maaring isama sa maximum loanable amount na P150,000 kada estudyante o P300,000 kada parent-borrower na gagamiting pambayad para sa matrikula o enrollment-related fees sa ilalim ng I-STUDY (Interim Students’ Loan for Tuitions towards Upliftment of Education for the Development of the Youth) Lending Program ng Land Bank.

Naging pangangailangan na ang smartphone at tablet sa panahon ng pandemya matapos maging online na ang klase kung kaya’t marami sa pamilyang maliit ang kita ang nagiipon ng pera para mabilhan ng mura o used na devices ang kanilang mga anak.

Sa gitna ng online education, naging necessity o pangangailan din ang magkaroon ng internet access para makasabay ang mga mag-aaral sa kanilang mga aralin, kahit na ang ilan sa kanila ay umaakyat pa sa bubong o bundok para lang makakuha ng signal.

Sabi pa ni Poe, importante din na mayroong mabilis at maasahang internet connection para mnapakinabangan nang husto ang anumang digital device para sa online education.

“A laptop, tablet or smartphone will only be useful tools to the students during online classes if they can connect to the internet,” saad ni Poe.

“Telcos should also step up so that connectivity will not continue to be a stumbling block to our children’s education,” sambit pa nito.

The post Mga estudyante mag-avail ng gadget loan – Poe first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-estudyante-mag-avail-ng-gadget-loan-poe/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-estudyante-mag-avail-ng-gadget-loan-poe)