Mga healthcare worker sa Marikina pass muna sa Sinovac vaccine, maghihintay ng ibang bakuna

Ilang medical frontliner sa Marikina City ang nababahalang magpaturok ng Sinovac COVID-19 vaccine mula China ayon kay Mayor Marcy Teodoro.

Aniya, maghihintay na lamang ng mga mas epketibong bakuna ang mga frontliner dahil mas gusto nila ng mas mataas na efficacy rate.

“Mas gusto nila ‘yong mas mataas na efficacy. Kung puwede ay more than 70% doon sa moderate and 100%, if possible, for severe kaya ang sinasabi nila ay mabigyan sila pagkakataon na makapamili o makapaghintay ng bakuna na may mas mataas na efficacy,” sambit niya sa panayam ng 24 Oras Weekend.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi sapilitan ang pagbabakuna ng mga frontliner.

“Mayroong dadating. They have a choice. It’s either AstraZeneca or the Sinovac. Kung ayaw nila ng Sinovac, maghintay sila in a few days. Basta I was assured it will be coming within the next few days,” wika niya sa isang press conference.

“For those who do not want to be vaccinated, okay lang sa akin. Wala akong problema. Ayaw ninyo magpabakuna, okay, that’s your choice.”

Nito lamang Linggo ng dumating sa bansa ang 600,000 dose ng Sinovac COVID-19 vaccine na donasyon ng China.

The post Mga healthcare worker sa Marikina pass muna sa Sinovac vaccine, maghihintay ng ibang bakuna first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-healthcare-worker-sa-marikina-pass-muna-sa-sinovac-vaccine-maghihintay-ng-ibang-bakuna/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-healthcare-worker-sa-marikina-pass-muna-sa-sinovac-vaccine-maghihintay-ng-ibang-bakuna)