Aabot sa 66 na police personnel mula sa MIMAROPA region ang sinalang sa COVID-19 test matapos maging close contact kay Philippine National Police (PNP) chief Debold Sinas.

Ayon sa pahayag ng MIMAROPA police regional office, ang mga tinuring na close contact ni Sinas ay negatibo sa new coronavirus.

“The results of RT-PCR test conducted have been released and all are negative. Likewise, as of this date, not anyone from the identified close contacts experienced symptoms,” lahad ng PRO.

Matatandaan na nagpositibo sa COVID-19 si Sinas, kung saan nalaman niya ang resulta habang nasa Calapan, Oriental Mindoro.

Kaagad nagsagawa ng contact tracing para malaman kung sino ang mga nakasalamuha ng PNP chief sa naturang lugar.

The post Mga nakalapit kay Sinas, negatibo sa COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-nakalapit-kay-sinas-negatibo-sa-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-nakalapit-kay-sinas-negatibo-sa-covid)