Higit 87,000 scientific papers na ang nailathala sa buong mundo patungkol sa coronavirus mula lang noong Enero hanggang Oktubre 2020.

Batay sa bagong pag-aaral ng Ohio State University, 4,875 articles ang nailabas mula Enero hanggang mid-April 2020.

Tapos, umakyat ito sa 44,013 noong mid-July, at sumirit patungong 87,515 sa simula pa lang ng Oktubre.

“It is an astonishing number of publications – it may be unprecedented in the history of science,” ayon kay Caroline Wagner, co-author ng nasabing pag-aaral, sa ulat ng Anadolu.

Kumpara ito sa higit 19 taon na tinagal para tumalon mula 4,000 papuntang 90,000 ang mga scientific article sa paksang nanoscale science, ayon kay Wagner.

Ang mga siyentista sa bagong pag-aaral ay gumamit ng ilang scientific databases para mabakas ang mga coronavirus research.

The post Mga pag-aaral sa COVID pumalo sa 87K sa ilang buwan first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-pag-aaral-sa-covid-pumalo-sa-87k-sa-ilang-buwan/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-pag-aaral-sa-covid-pumalo-sa-87k-sa-ilang-buwan)