Bumaba ang posisyon ng Pilipinas sa 2021 World Happiness Report ng United Nations Sustainable Development Solutions Network.

Batay sa report, pang-61 lang ang bansa bilang happiest country sa buong mundo sa listahan ng 149 bansa.

Nagtala ang ‘Pinas ng 5.88 puntos sa 10 points pagdating sa kasiyahan noong 2020, o noong unang humagupit ang pandemyang coronavirus.

Bumulusok ito mula sa dating ika-52 puwesto sa 153 bansa, sa iskor na 6.006.

The post Mga Pinoy lumungkot noong 2020 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mga-pinoy-lumungkot-noong-2020/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-pinoy-lumungkot-noong-2020)