Kinumpirma ni Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor na tinamaan siya ng COVID-19.

Ayon kay Defensor, March 3 nang magpositibo siya sa naturang sakit at kaagad na sumalang sa RT-PCR test.

“Mga two weeks na ‘to, nag-positive ako sa COVID along with seven people in my house including my son-in-law,” lahad ng mambabatas.

Aniya, tingin naman niya’y asymptomatic siya at pasalamat na hindi malala ang naging sintomas ng COVID-19 pati sa kanyang manugang na lalaki na nahawaan din ng virus.

“Masuwerte naman kami kasi yung variant na nakuha namin hindi siya talaga nagka-cause ng severe COVID,” saad pa ni Defensor.

Nakatakdang sumailalim muli sa RT-PCR test si Defensor para makumpirma kung negatibo na siya sa virus.

Dagdag pa niya, wala naman siyang nakasalamuha bago magpositibo sa virus maliban sa kanyang pamilya.

The post Mike Defensor sapol ng COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mike-defensor-sapol-ng-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mike-defensor-sapol-ng-covid)