Nagpositibo sa coronavirus disease ang asawa ni Gary Valenciano na si Angeli Pangilinan Valenciano.

Inanunsiyo ito ni Angeli sa Instagram, Sabado ng gabi, habang nagpo-post ng larawan ng alcohol at mga gamot.


“Guess why I posted this? Here I am isolated because I am Covid positive,” sey ni Angeli.

Hindi aniya siya natatakot dahil alam niyang isa lang itong “trial” na malalampasan nilang mag-asawa.

“I should be afraid right? But I am married to a man who has had Type 1 diabetes for 42 years. Who has had multiple seizures due to hypoglycemia. Hepatitis. Orthroscopic surgery on his knees. Tuberculosis. Cardiac double bypass/open heart surgery. Kidney cancer. Partial nephrectomy surgery,” lahad niya pa.

Sinabi rin ng misis ni Gary V. na sumailalim siya sa scoliosis spine surgery sa Hong Kong noong 1986 kung saan nakaranas siya ng “excruciating pain.”

“So this is just another hurdle that I know I will leap over!” sambit niya.

Hiniling din ni Angeli sa madla na ipagdasal ang paggaling ng kanilang staff na sina Myra at Vince.

The post Misis ni Gary V dinapuan ng COVID first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/misis-ni-gary-v-dinapuan-ng-covid/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=misis-ni-gary-v-dinapuan-ng-covid)