Inaasahang dumating sa bansa ang unang batch ng COVID-19 vaccines na gawa ng American drugmaker Moderna sa dulo ng Mayo o simula ng Hunyo.

Bigkas ito ni PH ambassador to the US Jose Romualdez sa isang televised briefing, Biyernes.

Pinaplantsa na aniya ng gobyerno, ng pribadong sektor, at ng Moderna ang kasunduan sa bakuna.

“We’ve already concluded the agreement, ‘yung supply na lang. We’re threshing out the supply kung kailan nga nila pwede i-deliver itong Moderna,” ani Romualdez.

“Ito medyo katumbas ng Pfizer, and we’re hoping that we will have the first deliveries by either end of May or early part of June. ‘Yan ang tinatarget natin,” saad niya pa.

Una nang sinabi ng ambassador na nakatiyak ang pamahalaan, sa tulong ng pribadong sektor, ng hanggang 20 milyong doses ng Moderna coronavirus vaccine.

“Half of that or almost half of that will go to the private sector and their employees. Malaking force ‘yan. And then, the other half will go to our health workers and the rest of Filipinos that will be receiving the Moderna through the LGUs and other entities there in the Philippines,” lahad pa niya.

The post Moderna bakuna baka dumating sa Mayo first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/moderna-bakuna-baka-dumating-sa-mayo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=moderna-bakuna-baka-dumating-sa-mayo)