Sabi ng isang consultant ng National Task Force Against COVID-19 (NTF), posibleng ipanumbalik ang mahigpit na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa isang kondisyon.

Ito ay kapag napuno na ang mga ospital at iba pang pansamantalang treatment facility.

Kapag nangyari ito, ani Dr. Ted Herbosa, posibleng dumami ang mga mamamatay dahil hindi agad naaasikaso ang lahat ng mga pasyente.

“Usually babalik tayo sa MECQ kapag napuno ang ating mga ospital at mga temporary treatment facilities,” wika ng NTF consultant sa Dobol B TV, Linggo.

“Kapag napuno ang ospital, baka maraming mamatay na hindi dapat mamatay dahil hindi sila magamot. Nakapila sila for admission,” paliwanag niya pa.

Sa ngayon, 611,618 na ang mga kumpirmadong nahawa sa coronavirus sa Pilipinas, kabilang ang 52,012 aktibong kaso.

The post Modified lockdown baka ibalik kapag… first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/modified-lockdown-baka-ibalik-kapag/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=modified-lockdown-baka-ibalik-kapag)