Hindi lamang mga Manilenyo ang nakikinabang sa libreng COVID-19 test sa Maynila.

Sa panayam ng ‘Politiskoop’ kay Manila Mayor Isko Moreno, pinaliwanag nito kung bakit pinili nilang isama sa libreng testing ang mga hindi Manilenyo.

Aniya, ‘universal problem’ ang COVID-19 pandemic kaya’t pinapalawig ang pagtulong ng kanilang lungsod sa mga kalapit-bayan.

“Nililinis namin yung amin eh ‘yung kapitbahay namin marumi… magpapaikot-ikot lang, so kung kinakailangan na makapagbigay man lang tayo ng peace of mind — Manilans o non-Manilans — we will do so,” saad ni Moreno.

Nang matanong naman kung kaya ba ng budget nila ang libreng COVID-19 testing para sa lahat, pinaliwanag ni Moreno na maraming nagpapaabot na pribadong tao sa Maynila.

“Since last year, nagugulat sila kung bakit nga libre [ang COVID-19 test] pati hindi taga-Maynila,” sambit ng alkalde. “Sa awa ng Diyos nakakaraos eh.”

Aniya, nagpapaabot ng materyal na tulong maging pera ang ilang indibiduwal, mapa-normal na tao, OFW, maliliit at malalaking kompanya.

“I’ve never seen a city na bumuhos, siksik, liglig at umaapaw pa ang tulong ng tao,” ayon pa sa mayor.

Sa Maynila, nagtayo ng drive-thru para sa libreng RT-PCR swab testing kung saan nasa 100 ang tine-testing kada araw.

The post Moreno sa libreng COVID test kahit ‘di Manilenyo: Sa awa ng Diyos, nakakaraos! first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/moreno-sa-libreng-covid-test-kahit-di-manilenyo-sa-awa-ng-diyos-nakakaraos/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=moreno-sa-libreng-covid-test-kahit-di-manilenyo-sa-awa-ng-diyos-nakakaraos)