Madugo ang naging paglulunsad ng Fire Prevention Month sa General Santos City.

May isa kasing motorista na nagulungan ng fire truck na kabilang sa mga nagmo-motorcade noong Lunes ng umaga, Marso 1.

Kinilala ang motorista na si Neceforo Pulvinar, Jr.

Sa video ni fire brigade volunteer Ed Gonzaga, masasaksihan ang motorcade. Kasali roon ang isang fire truck.

Tapos may isang motorsiklo na nag-overtake mula sa kanan ng trak.

Pagsapit sa tulay ng Puting Bato, nadulas ang motorsiklo na minamaneho ni Pulvinar. Ihahatid sana niya ang angkas na misis sa trabaho nito.

Doon na nagulungan si Pulvinar ng fire truck kaya ito pumanaw.

Samantala, ligtas ang asawa niya habang nasa kustodiya na ng kapulisan ang fire truck driver na si Fire Officer Mario Fuentes, Jr.

The post Motorista dedo sa fire truck na kasali sa motorcade first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/motorista-dedo-sa-fire-truck-na-kasali-sa-motorcade/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=motorista-dedo-sa-fire-truck-na-kasali-sa-motorcade)