Lumabas sa isang pag-aaral na nababawasan ng prescription mouthwash ang dami ng coronavirus sa laway sa mga adult na asymptomatic o may mild COVID-19, at nakakatulong din na mabawasan ang pagiging contagious nito.

Sa report ng mga mananaliksik noong Miyerkoles na ipinost sa preprint server Research Square, 154 volunteer ang pinagmumog ng prescription mouthwash tatlong beses sa isang araw sa loob ng isang linggo.

Unang beses pa lamang na paggamit ng mouthwash ng mga nagpositibo sa nakalipas na linggo ay nakitaan agad ang mga ito ng pagkabawas sa virus sa kanilang laway.

“A one-minute rinse with a beta-cyclodextrin and citrox mouthwash reduces the SARS-CoV-2 salivary viral load by 70% in asymptomatic or mildly ill adults,” anang co-author na si Dr. Florence Carrouel, ng University Lyon sa France.

“Thus, this mouthwash is a barrier measure against the spread of COVID-19,” dagdag niya.

The post Mouthwash nakakatulong laban sa coronavirus first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/mouthwash-nakakatulong-laban-sa-coronavirus/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mouthwash-nakakatulong-laban-sa-coronavirus)