Umakyat sa 595 ang COVID-19 death toll sa Cavite matapos panibagong sampung pasyente ang mamatay habang 289 ang bagong tinamaan nito.

Sa ngayon ay mayroon nang naitalang 22,555 kaso sa lalawigan, kabilang ang 19,781 recoveries at nasa modified general community quarantine status.

May pinakamataas na bilang ng COVID-19 case ang Bacoor City sa 3,943, sinundan ng DasmariƱas City sa 3,755.

Kasalukuyang may 2,179 active case ang lalawigan as of March 16.

The post Namatay sa COVID-19 sa Cavite, pumalo sa 595 first appeared on Abante TNT Breaking News.

Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/namatay-sa-covid-19-sa-cavite-pumalo-sa-595/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=namatay-sa-covid-19-sa-cavite-pumalo-sa-595)